Tngkol to Tungkol  |  Pagbibigay ng Proteksyon sa mga Bata  

Sino kami?
Malaking grupo kaming kinabibilangan ng mga tagapaglingkod-panlipunan, tagapaglingkod-bata at kabataan, abogado, nars para sa mga sanggol, empleyado sa departamentong nagbibigay-alalay at pangasiwaan.

Tuwiran man o hindi ang paglingkod namin sa mga pamilya at sa kumunidad, nagbibigay-bahagi ang bawat isa sa amin tungo sa proteksyon sa mga bata at kabataan at pag-alalay sa mga pamilya.

Ang aming 370 empleyadong full time at part-time ay may mga magkakaibang
karanasan, gaya ng mga taong aming pinaglilingkuran.

Saan ang lugar ng aming trabaho?

Ang trabaho namin ay nasa Rehiyon ng Peel. Sa madaling sabi, sakop namin ang mga taga-lungsod ng Brampton at Mississauga, at bayan ng Caledon, lalawigan ng Ontario, Canada.

Ano ang aming tungkulin?

Ang mga manggagawa ng Peel Children’s Aid ay tumatanggap ng tawag mula sa mga propesyonal (halimbawa: mga opisyal ng pulis, duktor, guro) at sa mga mamamayang balisa sa kalagayan ng isang bata. Nagsasagawa kami ng pagsusuri sa mga pagkabalisang ito at nagpapasya sa isang pagkilos na dapat gawin.

Bisitahin ang seksyong pagbibigay ng protekson sa mga bata (protecting children) para sa kaalaman kung kailan kami dapat tawagan at kung ano ang mangyayari sa inyong pagtawag.

Inuuna ng Peel Children’s Aid ang pangangailangan at kapakanan ng mga bata at kabataan. Nakikipag-ugnayan kami sa mga magulang upang matulungan sila sa pagbibigay ng isang ligtas at magiliw na kapaligiran para sa kanilang mga anak. Ang Peel Children’s Aid ay nagbibigay ng mga programa sa pagpapayo, pagtuturo at pagaalalay sa mga pamilya upang manatiling sama-sama pa rin sila hangga’t maaari. Nakikipagtulungan ang aming ahensiya sa mga pamilya nang matulungan silang magaruga ng kanilang mga anak sa mas positibong paraan at tumutulong kami sa pagaakay at pagbibigay ng pamaraan sa kanilang pagiging mas mahusay na mga magulang. Nakikipagtulungan din kami sa mga kapanig sa kumunidad para matiyak ang mga pamilyang aming kapanayam ay makinabang sa mga programang nagbibigay ng pagpapayo at paggaling. Bagama’t naniniwala kaming pinakamabuti pa rin para sa mga bata ang lumaki sa kanilang tahanan, may mga pagkakataong kinakailangan silang kunin nang maisailalim sa aming pag-alaga para matiyak ang kanilang kaligtasan at pinakamabuting kapakanan.

Ang mga bata at mga teen-ager na di maaring tumira sa kanilang sariling tahanan o walang magulang o walang maaring gumanap na kanilang tagapag-alaga ay nilalagay sa isang pansamantala, ligtas at mapagmahal na kapaligiran ng isang foster family. Karamihan sa mga batang napapasa-foster family ay mga nakaranas na ng ilang anyo ng pagmamalabis o pagpapabaya at nangangailangan sila ng isang mapagmahal, matatag na kapaligiran para matulungan silang makapagpagaling sa kanilang pinagdanasan. Tingnan ang seksyong pagtatangkilik (fostering) sa aming websayt para sa dagdag na kaalaman tungkol sa foster parent program at sa pagiging isang foster parent.

Kung ang kabataang may edad na 12 hanggang 16 taong gulang ay di makayang alagaan ng isang foster family, may pinapatakbong 10 tahanang residensiyal ang ahensiya para sa kabataang nasa espesyal na katayuan. Ang mga tahanang ito ay nagbibigay ng kapwa maikli at mahabang pag-aalagang residensiyal para sa kabataang malaki ang pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan, mga hamon sa kanilang paglaki at mga pangangailangan sa pag-asal.

Ang Peel Children’s Aid ay nagpapagaan din ng paraan sa pag-ampon ng mga batang di kayang maalagaan ng pamilyang kanilang pinanganakan. Tingnan ang seksyong pag-aampon (adopting) sa websayt na ito para sa dagdag na kaalaman tungkol sa pagbibigay sa isang bata ng isang bagong pamilya.

 
Tngkol to Tungkol
Madaliang mga pangkaalaman at mga bilang tungkol sa aming serbisiyo
Paano kami pinopondohan
Kasaysayan
Ang aming Board
Ang aming Tim ng Pangasiwaan
Mga balitang katha tungkol sa amin
Mga Publikasyon
Katambal na mga Kumunidad
Mga katanungan sa media
For Parenting information click here.

 

© 2010 Peel Children's Aid Society All Rights Reserved Legal Information Privacy Policy
About Us Protecting Children Parenting Fostering Adopting Living Independently Volunteering Working at PCAS Contact Us Home